PARA SA MGA INIWAN (Pinakabitter Version)
6:55 AMAno? Masakit? Mabigat sa kalooban? Oo ganyan talaga kapag broken hearted. Ang sakit sakit parang binibiyak ang puso at parang dala-dala mo ang sampung sako ng bigas. Ganyan sa una, puro kirot, parang dumudugo pero kapag natuto kang makalimot, sasabihin mo na lang sa sarili mo, "Putangina 'bat ang tanga ko sa kanya nung kami pa?"
Based on my experience, I'll teach you how to move on in my own way. Ito talaga yung mga ginawa ko. That was a seven fucking months process before ako nakamove on ng bonggang-bongga. Although 2 months lang kami (yeah 2 months lang pero OA ko no? Wala, mahal ko eh) masyadong matagal humilom ang sugat. Pero sabi nga nila, time will heal the pain. Go na!
TOP MOVING ON PROCESS ng mga INIWAN! (version 1.0 ni Drex)
ERASE HIS NUMBER
Well of course, i-erase mo talaga number niya so that hindi mo na siya macocontact. Although kabisado mo number niya, keber lang. Matuto kang kontrolin ang sarili mo. Kailangan i-set mo sa mind mo na hinding-hindi ka magkakamaling i-contact ang number niya dahil once na natext mo siya, iisipin nun na naghahabol ka pa sa kanya. Like duh? Iniwan ka di ba, let him eat regrets.
UNFRIEND HIM ON FACEBOOK or para mas happy BLOCK him!
For me it's a good technique ha. Yes sasabihin nila bitter ka pero mas masakit kung makikita mo mga post niya, and worst is panu kung makita mo post niya na less than a week pa lang, may bago agad at feeling happy pa. Puta! Baka mabasag mo ang screen ng laptop/computer mo, masasaktan ka pa, literally. Di ba? So mas mabuti na ang walang nanggugulo sa moving on process mo. Baka maging mas bitter ka pa sa ampalaya. (pwede ba yun? hahaha) 😂😂😂
DELETE ALL THE PICTURES NA MAGKASAMA KAYO
Yes kailangan. Kung gusto mo talagang makamove-on, you have to. Wag nang magtira ng sentimental attachment sa mga pictures na yan bakit nung iniwan ka niya, naging sentimental ba siya? Akala ko ba hindi ka niya kayang iwan? Di ba? Ganun ang isipin mo. Oo may memories sa mga pictures na yan pero yang memories na yan ay memories na lang hindi na pwedeng i-redo, memory is a tool that helps us to remember the past, akala ko ba nagmomove on ka? Bat gusto mo siyang maalala? I-set aside muna natin ang naipong memories sa utak mo na kasama siya, dun muna tayo sa physically developed memories (may ganun? lol) Basta i-erase mo na lang! Nagmomove on ka tapos gabi-gabi mo siyang tinitingnan? Napaka-productive no? 👏😒
DON'T YOU EVER LISTEN TO THOSE SONGS NA MAY MEMORY WITH HIM
IT'S A NO-NO! Gusto mo magbreak down? Hala sige, ubusin mo yang tubig sa katawan mo sa kakaiyak. Mas masasaktan ka lang kasi ang tendency niyan, irerewind lahat ng memories mo na kasama siya. Syempre iiyak ka kasi wala na kayo! And worst, feeling mo pa niyan babalikan ka niya, hindi na! Wag kang assuming. Yang mga songs na yan ginawa yan para magbigay ng message sa mga listeners, oo may mga maaalala kang memories pero intindihin mo muna ang laman ng song bago ka mag-inarte. Malay mo about pala yan sa giyera, di mo lang naintindihan kasi English, nadala ka lang sa melody kaya ka umiiyak. Kaloka. Instead, makinig ka na lang sa mga moving on songs. Spotify playlists would do. Marami silang playlist sa mga taong katulad mo na nagmomove on pa hanggang ngayon. Try mo tumambay dun para maenlighten ka. 😄
HAVE FUN
It's time to party baby! Don't just mukmok everyday. Come on, you've gotta kidding me uh? I thought you were strong? Anyare? Ganyan ka na lang ba parati? Umiiyak sa araw, hapon, at gabi? Don't waste your time crying for just an asshole na pinagpalit ka sa isang unggoy. Hindi mo deserve yan! Magpakasaya ka! Malaya ka na di ba? Alam mo mas masaya maging single, walang kokontra sayo, walang magagalit. Just live your life to the fullest. Hindi iyak ang solusyon sa pinagdadaanan mo. Magbar ka! Uminom o kaya naman go on adventures! Mountain climbing mga ganun! Tapos pagdating mo sa tuktok, isigaw mo lahat ng sama ng loob mo sa kanya. Isabay mo na din mga problema mo, I'm very sure with that, makakatulong yan. Gagaan ang pakiramdam mo kahit papano 😄
GO TO A FRIEND
This is very effective. You just have to choose the right friend na mapagsasabihan mo ng problema. Yung alam kung ano ang i-aadvice sayo. Wag ka dun sa friend mo na nagcacare lang sayo para malaman ang story tapos ichichika kung kani-kanino tapos papasobrahan pa. Naku! Very wrong, wag na wag dun. Piliin mo din yung taong nakakakilala sa ex mo o kaya mejo kilala lang kasi maaari siyang makapagbigay ng speculations. Mas maganda pagganun kasi naboboost ang self-confidence mo in a way na magkakaroon ng mas maraming questions sa utak mo, tendency mapapagod ka, result is hihinto ka na and you'll decide to move on quietly. (quietly ba talaga? lol hahahaha) Don't worry dadamayan ka din ng friend mo, mafifeel din niya ang nararamdaman mo, lalo na kung iiyakan mo siya sabay kwento. Ganun! 😂 Pero effective to promise ko sayo! 😉
Madali lang naman ang pagmove-on basta isipin mo lang na kaya mo. Ang pagmomove-on kasi ay hindi pagrerebelde o kaya pagbabago physically na wala namang naidudulot na kabutihan sa iyong kalusugan. Ito ang proseso ng pagbura ng mga naiwan niyang alaala at pagbasura sa inyong pagmamahalang naging pundasyon ng sinasabi niyong forever. #WalangForever
0 comments