Ano ba ang 'PAG-IBIG'?

11:43 PM

      Ang pag-ibig ay hindi laro. Hindi rin yan quiz sa Calculus na kahit 1 to 5 ay pwede mo lang balewalain. O kaya naman maliit na sugat na pinapabayaan na lang at hindi ginagamot. Ang LOVE, fragile yan. Iniingatan hindi yan pinaglalaruan. Kung may galos, medics agad, kung nakalimutan, dapat inaalala kasi kung ang love nasugatan, mahirap na yan makarecover.


Kelan mo mararamdaman ang PAG-IBIG?
Oo mararamdaman mo siya anytime kahit nasa jeep ka, o sa school, pero, darating yung time na titibok ang iyong puso sa taong karapat-dapat na bumihag nito. Yung tipong kahit naglalakad ka mag-isa ay super smile ka o kaya nama'y ginaganahan ka sa lahat ng bagay, maghugas, maglinis, mag-igib, mamalengke o namomotivate ka mag-aral; ganyan ang  epekto ng love. Mararamdaman mo yan sa isang taong handang magpakagago sa harap ng tao, yung super maalaga, mabait, kayang iparamdam sayo na mahal ka nila 24/7 at yung nauunawaan ka no matter what your character is. Ang love walang pinipiling oras o pagkakataon, dumarating yan anytime.


Kapag nasaktan ka sa pag-ibig


Dapat handa ka. Kung lulusob ka sa isang giyera, kailangan fully armored ka wag yung lalamya-lamya. Lahat naman tayo nasasaktan, hindi lang ikaw ang nakakaramdam. Sabi nga nila, hindi magiging memorable ang isang relationship kapag walang nasasaktan. Diyan kasi nasusukat kung gaano mo kamahal ang isang tao. Diyan rin makikita kung totoo ang pagmamahalan niyo sa isa't-isa. Kaya kapag nasaktan ka sa pag-ibig, isipin mo na lang na natalo ka na naman sa isang laro. Tumaya ka at tumaya siya yun nga lang ikaw ang mas nakaramdam ng pagkatalo kasi hindi mo alam an gagawin pag nawala siya, mahal mo eh. Wag kang mag-alala, hihilom din yang sugat maybe hindi ngayon pero hayaan mo na lang ang oras ang gumamot sa sugat na yan.


Makakahanap ka din ng mas nararapat sayo, wag kang magmadali, darating yan sa tamang panahon. 😃


 

 

You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Flickr Images

Instagram

Subscribe